-- Advertisements --

Pumanaw na ang American actor na si Michael Lerner sa edad 81.

Kinumpirma ito ng pamangkin ng actor na si Sam Lerner subalit hindi na nito binanggit ang sanhi ng kaniyang kamatayan.

Kasama sa ilang tv shows at mga pelikula ang actor gaya ng “Elf”, “Barton Fink” , “Godzilla” at iba pa.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang mga kasamahan nito sa mga pelikula at show ng mabalitaan ang pagpanaw ng actor.