CAGAYAN DE ORO CITY -Palaisipan pa rin para kay ambush survivor Lanao del Sur Governor Mamintal ‘Bombit’ Adiong Jr kung bakit pinagtangkaan ang kanyang buhay habang tinungo nila ang bayan ang Wao mula sa Marawi City para sa isang taunang selebrasyon.
Ito ay matapos nag-resulta nang pagkasawi ng kanilang apat na kaanak na nagsilbi rin nila na convoy security escorts habang tinambangan pagdating sa bahagi ng Maguing town,ensakto isang linggo nitong araw.
Pagku-kuwento pa ng gobernador na para umanong mga patak ng ulan ang mga bala ng mga suspek na tumama sa kanilang mga sasakyan.
Katunayan,naimando pa nito sa kanyang driver na gawin ang lahat na makakaya para makaiwas lamang sa ambush site.
Magugunitang itinanggi ng pamilya Adiong na ‘rido’ o away ng mga katunggaling malaking angkan ang dahilan kung bakit ito tinambangan.
Sa ngayon,patuloy na nagpapagaling ang gobernador sa isang pagamutan na nakabase sa Cagayan de Oro City.