-- Advertisements --
image 124

Tuluy-tuloy pa rin ang pagpapakawala ng tubig ng dalawang dam sa Luzon.

Ito ay kasunod pa rin ng mga naranasang malakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng rehiyon na dulot ng Hanging Habagat.

Sa ulat ng mga eksperto, kaninang umaga ay binuksan ng hanggang 0.50 meters ang gate ng Ambuklao Dam matapos na umabot sa 751.33 meters ang water level dito ngayong Lunes na halos umabot na sa 752 meters na normal high water level nito.

Dalawang gate naman ang binuksan sa Binga Dam ng hanggang one meters at 0.30 meters matapos namang umabot sa 574.30 meters ang reservoir water level nito at halos maabot na rin ang normal high water level nito na 575 meters.

Samantala, bukod dito ay iniulat din ng mga kinauukulan na nadagdagan din ang antas ng tubig sa iba pang dam sa buong Luzon nang dahil pa rin sa hanging Habagat.

-Angat Dam: 199.82 meters
-La Mesa Dam: 79.36 meters
-Pantabangan Dam: 191.12 meters
-Caliraya Dam: 287.81 meters

Habang nakapagtala naman ng pagbaba sa lebel ng tubig sa iba pang dam kabilang na ang:

-Ipo Dam: 100.75 meters
-San Roque Dam: 262.23 meters
-Magat Dam: 176 meters