-- Advertisements --
Ibinunyag ni Amber Heard korte sa US na ito ay pisikal na sinasaktan ng dating asawang si Johnny Depp.
Sa pagdinig sa defamation case na inihain ng dating asawa sa kaniya na inilarawan ng 36-anyos na actress kung gaano kasama ang asawa nito.
Dagdag pa nito na may isa aniyang pagkakataon na muntikan pa siyang mapatay ng dating asawa.
Magugunitang nagsampa ng $50 milyon na libel case si Depp laban sa sa kaniya dahil sa paglathala nito sa isang magazine na sa ginagawang pagmamaltrato niya.
Iginiit pa ng actress na gumagamit umano ng iligal na droga ang 58-anyos na actor kaya muntikan na siyang mapatay nito.
Mula umano noong ikasal sila noong Pebrero 2015 ay doon din nagsimula ang pananakit ng asawa na muntikan na niyang ikinasawi.