-- Advertisements --

Nakabalik na sa bansa ang dating Philippine Ambassador to Brazil na si Marichu Mauro.

Ito ay matapos na i-recall siya dahil sa pananakit sa kasambahay sa Brazil.

Kinumpirma mismo ni Senator Bong Go na ipinaalam sa kaniya ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pag-uwi ni Mauro.

Magugunitang tinanggal si Mauro matapos ang pagkalat ng cctv footage ng pananakit nito sa kasambahay na 52-anyos na mula sa South Cotabato.

Magugunitang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang imbestigasyon kay Mauro dahil sa ginawa nitong pananakit.