-- Advertisements --

Isinisi ng European Council president sa pagsalakay ng Russia sa Ukraine ang nararanasang krisis sa pagkain sa buong mundo.

Sa isinagawang UN Security Council Meeting, sinabi ni European Council president Charles Michel na ginagamit ng Russia ang food supplies bilang “stealth missile” laban sa developing world na humahatak sa mga mamamayan tungo sa kahirapan.

Aniya, milyong tonelada ng grains ang na-stuck sa pantalan ng Ukraine sa Odesa dahil sa pagharang ng pwersa ng Russia.

Inakusahan din ng Europen Council leader ang Russia ng pagnanakaw ng grain at pagpigil sa crop planting at harvesting sa Ukraine dahil sa kanilang military activities doon.

Hinamon ng European Council President na umalis na lamang sa naturang pagpupulong ang Russian Ambassador kung hindi nito maatim ang katotohanan.

Ito ang nagbunsod kay Russian Ambassador to the United Nations Vassily Nebenzia para mag-walk out sa isinagawang UN Security Council meeting.

Pinaratangan din ng Russian Ambassador na nagpapakalat ng kasinungalingan si Michel.

Nabatid na ang Ukraine ay itinuturing na large exporter ng cooking oil at cereals gaya ng mais at trigo habang ang Russia naman ang exporter ng bulto-bultong grains gayundin ng fertilizer. Kung kayat malaki ang epekto ng hidi pagexports ng naturang mga suplay dahilan para tumaas ang presyo ng mga alternatibong produkto.

Top