Kinumpirma ng Nueva Ecija Police Office ang matagumpay na pagsuko ng isang amazonang miyembro ng New People’s Army sa probinsya ng Nueva Ecija.
Ayon kay Nueva Ecija police chief Police Col. Richard V. Caballero , ito ay kinilalang si alyas Ka Liza
Matapos ang isinagawang special intelligence operation ng pinagsanib na pwersa ng Nueva Ecija Police Provincial Office, PNP-CIDG at 91st Infantry Battalion ng Philippine Army , nagresulta ito sa boluntaryong itong sumuko.
Si Ka Liza ay miyembro ng Alyansa ng mga Magbubukid sa Gitnang Luzon na isang women sector na nag ooperate sa Licab, Nueva Ecija.
Kasabay ng kanyang pagsuko, turnover rin nito ang isang caliber .38 revolver, ilang bala at pampasabog.
Dinala naman ang mga granada sa Nueva Ecija-Provincial Explosives Ordnance Disposal and Canine para sa kaukulang disposisyon.
Bilang gantimpala, nakatanggap si Liza ng food packs at pinansyal na tulong ay siya ay nakatakdang isailalim sa debriefing.