-- Advertisements --
Plano ni Amazon founder Jeff Bezos na ipamigay sa charity ang halos lahat ng kaniyang yaman.
Sinabi nito na ang $124 bilyon na yaman ay ibibigay parea malabanan ang climate change.
Ang nasabing pahayag ay kasunod ng batikos na tinanggap niya dahil sa hindi pagbibigay ng yaman nito sa charity.
Una ng nangako si Bezos ng $10-B sa Bezos Earth Fund na inilunsad noong 2020 para labanan ang climate change.
Ilang mga kilalang bilyonaryo sa bansa kasi gaya nina investor Warren Buffet, Microsoft founder Bill Gates, at dating asawa ni Bezos na si MacKenzie Scott ay nangakong ibibgay ang yaman sa charity.