-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Hindi na nakapalag sa mga otoridad nang arestuhin ang isang 42-anyos na panadero sa Gigmoto, Catanduanes matapos na ireklamo ng panggagahasa.

Kinilala lamang ito sa pangalang “Vladimir”, walang asawa at residente ng Barangay Sioron.

Batay sa impormasyon mula sa mga pulis, nahaharap ang akusado sa 161 na arrest warrant dahil sa kasong rape.

Mismong ang bunsong anak na lalaki nito ang nagsumbong sa mga otoridad hinggil sa ginagawang seksuwal na pang-aabuso ng kanilang anak sa kanyang mga ate.

Nangyari raw ang krimen noong Hunyo hanggang Disyembre 2019, Enero hanggang Mayo 2020, Oktubre hanggang Disyembre 2020 at Enero at Pebrero ng kasalukuyang taon.

Nitong Pebrero nang isalaysay umano ng batang lalaki sa lola nito ang mga sumbong.

Itinuturing naman si “Vladimir” na Number 1 Provincial Most Wanted Person ng Catanduanes at nasa kustodiya na ngayon ng nakakasakop na himpilan ng pulis para sa kaukulang disposisyon.

Samantala, ni-rescue na rin ang apat na biktima kasama ang iba pang mga kapatid at inilipat na sa isang ligtas na lugar.