-- Advertisements --

Magkahalong lungkot at pagiging kampante ang nararamdaman ni Ogie Alcasid kasabay ng kumpirmasyon nito na pumanaw na ang kanyang ama.

Ayon sa 53-year-old singer/actor, mamimis nito ang amang si Hermino Alcasid Sr., pero palagay na rin ang loob dahil nasa langit na ito.

“I will miss you so much Dad. My heart grieves knowing you are gone but I am at peace because you are in the loving arms of our Father in heaven. I love you so much, Daddy,” saad ni Alcasid.

Hindi nabanggit ng songwriter ang dahilan ng pagpanaw ng kanyang ama.

Samantala, agad namang bumuhos ang mensahe ng pakikiramay para sa mister ni Regine Velasquez.