-- Advertisements --
Pumanaw na ang ama ni Ice Seguerra na si Decoroso “Dick” Seguerra.
Sa kaniyang Instagram account, nagpost ang singer ng larawan sa huling sandali na kapiling ang ama nitong Linggo ng umaga Nobyembre 15.
Pinuri nito ang ama dahil sa kabaitan na ipinakita sa kaniya.
Magugunitang nitong Marso ng ibunyag ng singer na dinapuan ng cancer ang ama.
Nagsimula sa prostate cancer hanggang sa kumalat ito sa buto.