-- Advertisements --

Pumanaw ang ama ng NBA star Dennis Rodman na si Philander Rodman Jr sa edad 79.

Kinumpirma ito ng apo ni ng nakakatandang Rodman na si Jasmine.

Nakaburol na ang bangkay nito sa Angelino’s Funeral Chapels sa Angeles City.

Noong nakaraang mga taon ay naglunsad ang mga kaanak ni Rodman ng GoFundMe account para mapauwi sa USA ito.

Dekada ’70 pa naninirahan sa Pilipinas si Philander na may-ari ng burger stand sa Angeles City at nilagyan niya ng mga posters ng NBA star na anak.

Hindi naging maganda ang relasyon ng retiradong NBA star sa kaniyang ama.

Kinilala lamang ng dating Chicago Bulls defensive player ang ama ng maglaro ito sa exhibition game sa Pilipinas noong July 19, 2012.

Nag-usap ang dalawa magkatapos ang laro at doon din ang unang pagkakataon na tinawag ni Dennis na “father” ang ama.