-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO -Pangingikil ang ugat sa pambobomba ng isang pampasaherong bus sa probinsya ng Cotabato.

Ito ang kinomperma ni Cotabato Police Provincial Defuty Commander Colonel Bernard Tayong.

Sinabi ni Tayong na malayong maikonekta at walang basehan na posibling paghihiganti sa nangyaring raid sa Barangay Goktona Pikit Cotabato ang pagpapasabog sa isang yunit ng Mindanao Star Bus sa Purok Narra Brgy San Mateo Aleosan Cotabato.

Dagdag ng opisyal na wala silang nakalap na ebedensya na itoy may kaugnayan sa Coplan Gokotan.

Nakipag-ugnayan na ang Aleosan PNP sa management ng Mindanao Star Bus sa anggulong extortion sa pagsabog kung saan isa ang nasawi at anim ang nasugatan.

May kuha rin ang Body Camera ng bus sa suspek nag-iwan ng bomba sa bus ngunit kailangan pa itong isumete ng Aleosan PNP sa regional office para ma enhance ang larawan dahil sa malabo ito.

Matatandaan na ang Alkhobar Group ay sangkot sa serye nang pangingikil,pagpapasabog at panununog ng bus sa probinsya ng Cotabato.