-- Advertisements --

Inaprubahan ng Quezon City Government ang permit ng United People’s Initiative (UPI) para ituloy ang rally sa People’s Power Monument sa EDSA ngayon araw ng Lunes, Nobyembre 17.

Ang UPI ay grupo ng mga retiradong military offiicials ay unang nag-rally sa White Plains Avenue nitong Linggo.

Nanawagan sila ng hustisya at pananagutan dahil sa talamak na kurapsyon sa gobyerno.

Isinabay ng UPI ang rally sa tatlong araw na rally ng religious group na Iglesia Ni Cristo (INC).