Natagpuang patay ang alkalde ng Motyzhyn sa Kyiv Region.
Kasamang natagpuan ng mga otoridad ng Ukraine ang asawa ni Mayor Olga Sukhenko at anak nitong lalaki.
Nakita ang mga itong nakabaon ang kalahating katawan malapit sa kanilang bahay.
Ang dalawang bangkay ng lalaki na kasamang natagpuan na hindi kaano-ano ng alkalde ay maaaring kasamahan lamang nila ito ay nakita rin nakatali ang mga kamay sa likod.
Nauna rito ang 50-anyos na babaeng alkade kasama ang asawa at anak nito ay dinukot ng mga sundalo ng Russia noong Marso 24.
Base sa mga kapitbahay ng mga biktima na tumanggi ang nasabing alkalde na makipagtulungan sa mga lumulusob na sundalo ng Russia.
Magugunitang noong Marso 11 ay dinukot ng mga sundalo ng Russia ang alkalde ng Melitopol southern Ukraine at ito ay pinakawalan matapos ang ilang araw.