-- Advertisements --
Patay ang alkalde ng isang bayan sa bansang Guatemala matapos na ito ay pagbabarilin.
Dumadalo sa isang parada ang 38-anyos na si Nelson Marroquin alkalde ng bayang Obero ng ito ay pagbabarilin ng hindi kilalang suspek.
Nasugatan sa insidente rin ang isa nitong bodyguard.
Kinondina naman ni Guatemalan President Bernardo Arevalo ang insidente at ipinag-utos ang agarang imbestigasyon.
















