-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Handa ang alkalde ng Cataingan, Masbate na akuin ang anumang responsibilidad sakaling may hindi inaasanang insidente ang mangyari, kasunod ng pagbibigay ng ‘go signal’ sa pagbabalik operasyon ng pantalan sa bayan.

Nabatid kasi na hindi pa isinasailalim sa konstruksyon ang naturang pantalan bagkus ay gumawa lamang ng imrovised facility matapos maapektuhan ng malakas na pagyanig mag-iisang buwan na ang nakakalipas.

Aminado naman si Mayor Felipe Cabataña sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na mapanganib ito subalit kaylangang gawin upang makapasok ang mga kargamento at hindi magutom ang mga residente.

Paliwanag ng alkalde na posibleng abutin ng tatlong buwan kung magsasagawa ng construction sa pantalan na malaking dagok para sa naturang bayan.

Iginiit naman ni Cabataña sa kasalukuyan ay nadadaanan naman ng mga residente ang nasirang bahagi ng pantalan subalit pinagbawalan na ang pagdaan ng mga sasakyan.