ILOILO CITY – Patuloy pa rin ang batuhan ng maaanghang na salita ng mag magbilas na mayoralty candidate sa lungsod ng Iloilo.

Ito ay kahit may nanalo nang bagong alkalde sa nasabing lungsod.

Panalo sa halalan si Iloilo City Lone District Congressman at mayor elect Jerry Treñas laban sa kanyang bilas na si outgoing Iloilo City Mayor Jose Espinosa III.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Espinosa, sinabi nito na hindi siya susuko at muli raw siyang babalik bilang alkalde ng Iloilo City.

Samantala ayon naman kay Treñas, kung babalik man si Espinosa sa kanyang pwesto, ito ay bilang bise alkalde dahil kailanman ay hindi naman daw ito nanalo talaga bilang alkalde.

Si Espinosa ang humalili bilang alkalde ng lungsod matapos patalsikin sa pwesto si dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog dahil sa issue ng iligal na droga.