-- Advertisements --
Ibinahagi ng beteranang actress na si Alice Dixson na ito ay naturukan na ng COVID-19 vaccine.
Sa kaniyang Instagram, nagpost ito ng larawan na matapos ang pagpapabakuna habang ito ay nasa Canada.
Susundan ito ng pangalawang shot matapos ang tatlong linggo bago umuwi sa Pilipinas.
Tinanong din ng 51-anyos na actress ang mga fans niya kung may Pfizer vaccination dito sa bansa para sa Pilipinas na ito magpaturok ng kaniyang ikalawang dose.