245669757 3081595372087517 8441426070636885328 n
-- Advertisements --

Kinumpirma ng actress at vlogger Alex Gonzaga na ito ay nakunan.

Sa kaniyang social media ay ibinahagi nito ang malungkot na pangyayari tatlong linggo na ang nakakalipas.

Dagdag pa nito na kasama niya ang asawang si Mikee Morada ay kumunsulta sa doctor bago ibnunyag ang pangyayari sa publiko.

Noong dalawang buwan ng nakakalipas ay nalaman nilang buntis ito at nitong nagdaang tatlong linggo ay nakunan ito.

Pinayuhan niya ang mga followers na huwag panghinaan ng loob dahil hindi aniya nila kasalanan na makunan.

-- Advertisement --

Nagpaabot naman ng kanilang pakikidalamhati ang ilang kapwa nitong artista na sina Luis Manzano, Angel Locsin, Maris Racal, at maraming iba pa.