-- Advertisements --
Umangat pa ang ranking ni Pinay tennis star Alex Eala.
Sa inilabas na world ranking ng Women’s Tennis Association (WTA) nasa pang 44 na puwesto ito ngayon.
Ito ay mas mataas ng isang ranking mula sa dating pang-45.
Nakatakdang sumabak si Eala sa Madrid Open kung saan itinuturing na isa niya itong teritoryo dahil sa kasalukuyan itong nakatira sa Rafa Nadal Academy.
Bukod pa dito ay naghahanda na rin siya para sa 2026 Roland Garros French Open na magsisimula mula Mayo 18 hanggang Hunyo 7, 2026.
















