-- Advertisements --

Ipinakita parin ni Filipina tennis player star Alexandra Eala ang kanyang husay at tibay ng loob bago tuluyang matalo kay world No. 2 Elena Rybakina sa Round of 32 ng Italian Open na ginanap sa Rome, Italy.

Nagtapos ang laban sa iskor na 6-4, 6-3 pabor kay Rybakina, ngunit lumaban parin si Eala at ilang ulit na naipakita ang kanyang galing laban sa mas mataas na ranggong kalaban.

Sa kabila ng matinding pagsubok sa laro, nagawa ni Eala na bigyan ng kaba ang second-seeded player bago tuluyang makuha ni Rybakina ang kontrol ng game at makapasok sa Round of 16.