Pansamantalang inilapag ng Filipina tennis star na si Alex Eala ang raketa sa pagdiriwang ng kanyang ika-21 kaarawan sa Paris bago pa man ang pagsabak niya sa French Open 2026.
Sa maikling video na ibinahagi niya malapit sa Eiffel Tower nitong Sabado, nilagyan niya ito ng caption āIām 21ā na agad namang umani ng pagbati mula sa kanyang mga tagahanga.
Si Eala, na kilala bilang unang Filipina na nanalo ng Grand Slam junior doubles title, ay patuloy na umaangat sa pandaigdigang tennis scene.
Nagsimula siyang mag-training sa Rafael Nadal Academy sa Spain noong kabataan pa at mula noon ay nakilala bilang isa sa mga pinakabatang tennis prodigy ng Pilipinas.
Inaasahang sisimulan ni Eala ang kanyang kampanya sa French Open sa pagbubukas ng torneo sa Mayo 25.
Ang kanyang paglahok ay inaabangan hindi lamang ng mga Pilipino kundi ng mga international tennis fans na sumusubaybay sa kanyang mabilis na pag-angat sa ranggo.
Sa kanyang ika-21 kaarawan, mas lalong tumitibay ang simbolismo ng kanyang karera, mula sa pagiging pambato ng Pilipinas sa junior circuit hanggang sa pagiging full-fledged professional na handang makipagsabayan sa pinakamalalakas na manlalaro ng mundo.
















