-- Advertisements --

Mabilis na tinalo ng pambato ng Pilipinas na si Alex Eala ang katunggali nitong Turkish na si Zeynep Sonmez, sa iskor na 6-1, 6-3, upang simulan ang kanyang kampanya sa qualifying round ng Eastbourne Open.

Tumagal lamang ng isang oras at labindalawang minuto ang laro. 

Matapos ang 1-1 na tabla, dalawang beses nabasag ni Eala ang serve ni Sonmez upang makakuha ng limang sunod na panalo at makuha ang unang set.

Sa kabila ng pagsusumikap ni Sonmez na gawing kapana-panabik ang laban, si Eala pa rin ang namayani sa ikalawang set.

Sa huli, nakuha ni Eala ang panalo. 

Makakaharap naman ni Eala sa Linggo ang 23-anyos at world no. 56 na si Hailey Baptiste ng United States sa final round ng qualifiers. 

Ang mananalo sa laban ay uusad sa main draw.