-- Advertisements --

Pasok na sa quarterfinals ng Jingshan Open ang Pinay tennis star Alex Eala.

Ito ay matapos na talunin si Mei Yamaguchi ng Japan sa score na 6-0; 6-3.

Gaganapin sana ang laro sa labas subalit dahil pag-ulan ay inilipat na lamang ang laro sa indoor court.

Sinubukan pa ni World number 268 na Japanese player na makahabol sa ikalawang set subalit hindi bumitiw si Eala at tuluyang manalo sa laro.

Susunod na makakaharap ni Eala ang 35-anyos na si Jia-Jing Lu na World ranked number 349.