Umusad sa quarterfinals ang Filipino tennis star na si Alex Eala matapos talunin si Russia’s Alina Charaeva, 6-2, 7-5, sa Birmingham Open .
Mabilis na nakontrol ni Eala ang unang set sa pamamagitan ng solidong serve at early break upang agad na makuha ang 6-2 na panalo sa opener.
Sa ikalawang set, mas naging dikit ang laban matapos makahanap ng tyansa si Charaeva at makalamang ng 5-2 kay Alex. Gayunman, hindi bumitaw si Eala at nagpakita ng matinding composure para makabalik sa laro.
Unti-unti niyang binura ang lamang ng kalaban hanggang sa makuha ang sunod-sunod na puntos at maitabla ang laban, bago tuluyang tapusin ang set sa 7-5.
Dahil sa panalo, pasok na si Eala sa quarterfinals kung saan makakaharap niya si Thailand’s Mananchaya Sawangkaew.















