-- Advertisements --

Umusad na sa 3rd round ng US Open Junior Tennis Championship si Alexandra “Alex” Eala.

Ito ay matapos na talunin niya si Nina Vargova ng Slovakia sa score na 6-2, 6-3.

Hindi hinayaan ni Eala na makalusot pa ang Slovakian player kung saan dominado niya ang laro.

Susunod na makakalaban niya ang sinumang manalo sa pagitan nina Angella Okutoyi ng Kenya o No. 8 seed Taylah Preston.