Makakatambal ng Filipino tennis star na si Alex Eala ang tennis legend na si Venus Williams sa doubles draw ng Bad Homburg Open, ayon sa ulat ng Tennis Channel.
“Venus, however, is on the entry list for the Bad Homburg event in advance of Wimbledon with Alex Eala,” ayon sa naturang report.
Kasama rin nina Eala at Williams ang German player na si Eva Lys na nabigyan ng main draw wildcard sa singles competition ng WTA 500 tournament na gaganapin sa Bad Homburg, Germany.
Para kay Eala, na 20 taong gulang, isang pambihirang pagkakataon ang makasama sa iisang koponan si Williams, isang pitong beses na Grand Slam singles champion at itinuturing na isa sa mga pinakadominanteng manlalaro sa kasaysayan ng tennis.
Hindi ito ang unang beses na makakaharap ni Eala ang pamilya Williams sa court. Noong Enero, tinalo nina Eala at Iva Jovic ang tambalan nina Venus Williams at Elina Svitolina sa Round of 16 ng ASB Classic.
Samantala, sisimulan ni Eala ang kanyang grass-court season sa WTA 125 Birmingham Open ngayong Lunes. Nakatakda rin siyang lumahok sa doubles event kasama ang Czech player na si Nikola Bartunkova.
















