-- Advertisements --
Natapos na ang kampanya ni Pinay tennis player Alex Eala sa Miami Open.
Sa unang round pa lamang kasi ay hindi na ito nakaporma laban kay Madison Brengle sa score na 6-2, 6-1.
HIndi nakaporma ang Filipina tennis prodigy na ranked 565 laban sa World No. 59 ng US.
Tumagal ang laban ng dalawa sa isang oras at 12 minuto.
Ngayon taon lamang ay lumahok na si Eala sa anim na torneo kabilang ang tatlong laro sa France at dalawa sa Spain.










