-- Advertisements --

Bumaba ang world ranking sa Women’s Tennis Association (WTA) ni Pinay tennis player Alex Eala.

Mula sa dating 185 sa pagsisimula ng taon ay nasa number 187 na ito sa pinakahuling ranking ng WTA.

Isa sa nakikitang dahilan nito ay ang maagang pagkatalo niya sa 2024 Australian Open sa Melbourne noong nakaraang linggo.

Kasama rin dito ang unang round na pagkatalo niya sa Canberra Workday International laban kay Celine Naef ng Switzerland na ang nasabing torneo ay itinuturing bilang warm-up para sa Australian Open.

Hindi namana nawawalan ng pag-asa ang 18-anyos na Pinay tennis star sa pangarap nitong mapasama sa Top 100 women’s professional tennis sa buong mundo.