-- Advertisements --

Inihahanda na ni Filipina tennis star Alex Eala ang kanyang nakatakdang tournaments sa Abril, kung saan nakatakda siyang lumahok sa sunod-sunod na clay court tournaments sa Europa.

Magde-debut ang Filipina tennis star sa Linz Open sa Austria mula Abril 6 hanggang 12, kabilang sa main draw kasama ang siyam na manlalaro mula sa WTA Top 40.

Kasunod nito, kabilang si Eala sa qualifying draw ng 2026 Porsche Tennis Grand Prix sa Stuttgart, Germany, mula Abril 13 hanggang 19, at nakalista rin siya sa mga manlalaro ng Mutua Madrid Open na gaganapin mula Abril 21 hanggang Mayo 3.

Ang mga listahan ng manlalaro sa Stuttgart at Madrid ay maaari pang magbago depende sa tournament draw.

Napunta si Eala sa European clay season matapos ang magandang performance sa 2026 Miami Open, kung saan nakarating siya hanggang fourth round.