-- Advertisements --

Nagkampeon si Carlos Alcaraz ng Spain sa Cinch Tennis Championships o ang Queens’ Club Championship sa London.

Tinalo nito si Alex de Minaur ng Australia sa score na 6-4, 6-4.

Sa simula pa lamang ng laro ay dominado na ng Spanish tennis player at hindi na nito pinaporma ang nakalabang Australian tennis star.

Dahil sa panalo ay nakabalik na sa siya sa rank number 1 sa Association of Tennis Professional na hinawakan ni Novak Djokovic ng mahigit isang linggo.

Ito ang pangatlong paglalaro niya sa grass root sa buong career niya.