-- Advertisements --

PNP CHIEF
Philippine National Police chief General Oscar Alyalade

Mas pinaaga ni PNP chief Police General Oscar Albayalde ang kaniyang pagreretiro.

Ito mismo ang kinumpirma ni Senator Bong Go, kung saan imbes na sa Nobyembre 8 ay sa Oktubre 29 na bababa sa kaniyang puwesto si Albayalde.

Itinakda kasi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang turn-over ceremonies ng bagong PNP chief na gaganapin sa Camp Crame sa Oktubre 29.

Isa rin aniyang dahilan ay ang pagtungo ng Pangulo sa ASEAN Summit sa unang linggo ng Nobyembre sa Bangkok, Thailand.

Nilinaw naman ng PNP chief na hindi konektado sa isyu ng ninja cops ang napaagang pagbaba nito sa puwesto at iginiit nito na hindi siya nag-resign.

Nakatakda namang magrekomenda sa susunod na linggo si Department of Interior Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año kay Pangulong Duterte ng mga pangalan na papalit kay Albayalde.