-- Advertisements --
salceda 2

Dapat na maghanda ng mailikas ang mga residenteng naninirahan sa 7 hanggang 8-kilometer danger zone ng Bulkang Mayon sa lalawigan ng Albay sa kasalukuyang notice kapag lumala pa ang mga aktibidad ng bulkan.

Ito ay binigyang diin ni Albay 2nd district Rep. Joey Salceda at sinabing ang mobility assets ay kailangang ihanda na dahil kadalasang inaabot ng ilang araw para makumpleto ang malaking bilang ng mga ililikas.

Sa kasalukuyang notice aniya, nasa 8,000 karagdagang pamilya o 30,000 indibidwal ang kailangang mailikas maliban pa ito sa mga nauna ng inilikas.

Kahit pa aniy nakadeploy na ang mobility assets ng Armed Forces of the Philippines para tumulong sa paglikas ng mga residente, tinatayang aabutin ng tatlo at kalahating araw ito kung susumahin ang oras at galaw.

Ang mambabatas ay dati na ring naglingkod bilang Gobernador ng Albay sa loob ng tatlong termino at mayroong karanasan sa pagtugon ng naturang kalamidad.

Nakahanda naman aniya ang kanyang tanggapan na tumulong sa pangangailangan ng mga lokal na pamahalaan at mayroon din itong commitments mula sa pribadong sektor kabilang ang mga nasa konstruksyon at sektor ng transportasyon para makapagbigay ng transportation aid.

Subalit sa dami ng assets, posibleng mailikas ang nasabing bilang mga evacuee sa loob lamang ng isang araw.