-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Mas pinaiigting pa ng Albay Provincial Health Office ang pagbabantay sa mga evacuation centers matapos na magdagdagan pa ang bilang ng mga evacuees na tinamaan ng coronavirus disease at iba pang sakit.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Albay PHO Head Dr. Estela Zenit, pinakahuling naitala na nagpositibo sa COVID-19 ay isang 51-anyos na evacuee mula sa San Jose High School sa bayan ng Malilipot.

Isinailalim sa RT-PCR test ang pasyente matapos na magpakonsulta sa medical clinic ng evacuation center dahil sa pagkakaroon ng lagnat at ubo.

Napag-alamang nasa 23 na katao ang na-expose dito at kinakailangang maghintay ng limang araw bago isailalim sa RT-PCT test habang naka-quarantine.

Maliban sa kaso ng COVID-19, ilan pa sa sa mga binabantayan ng tanggapan ang pagtaas ng bulang ng mga nagkakaroon ng lagnat, ubo at loos bowel movement (LBM).

Kung kaya’t inaabisuhan ang mga evacuees na agad magpakonsulta sa medical team na nasa evacuation center upang mapigilan at agad na makontrol ang outbreak ng sakit.

Samantala, inihayag ni Zenit na naka-rekober na ang 82-anyos na unang nagpositibo sa COVID-19 sa Gabawan evacuation center sa bayan ng Daraga maging ang 12-anyos na na-expose dito.

Maliban na lamang sa isang sanggol na close-contact din nito sa ngayon ay nagpapagaling pa habang naka-isolate.