-- Advertisements --

Tinapos na ng San Miguel Beermen ang kampanya ng Alaska Aces sa 2021 PBA Philippine Cup.

Ito ay matapos na talunin ng Beermen ang Aces 101-100 sa laro na ginanap sa Pampanga.

Itinuturing na bayani sa panalo ng Beermen si Marcio Lassiter kung saan naipasok nito ang kaniyang three-pointer sa natiitnrang tatlong segundo ng last quarter.

Hawak pa ng Aces ang kalamangan 98-100 sa loob tatlong segundo ng hindi nagkamali si Beermen coach Leo Austria na ipagkatiwala kay Lassiter ang bola hanggang naipasok ang bola.

Tiyak na ang pagpasok ng Beermen sa playoff kung saan mayroon silang pitong panalo at apat na talo.

Bumida panalo si CJ Perez na mayroong 20 points, anim na rebounds at apat na steals habang si Lassiter ay mayroong 13 points, apat na rebounds at dalawang assists.