-- Advertisements --

Nananatiling walang panalo ang Alas Pilipinas men’s volleyball team sa 2024 AVC Challenge Cup for Men.

Ito ay matapos na talunin sila ng host country na Bahrain sa score na 18-25, 23-25, 20-25.

Dahil sa talo ay walang panalo ang men’s volleyball team ng bansa laban sa Manam sa araw ng Martes.

Makakaharap din nila sa classificationia round ang sinumang mabigong koponan sa team sa Pool C final match sa pagitan ng Qatar o Indonesia.

Kapag magwagi ang Pilipinas ay lalaban sila para sa 9th place na may tsansa na ma-improve pa ng kanilang pagiging top 10 finish noong nakaraang taon.