-- Advertisements --
Kinumpirma ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na muntik na nilang maaresto ang puganteng si Charlie Atong Ang.
Ayon sa Kalihim, na mayroon silang tip na nakuha sa kinaroroonan ng nasabing negosyante.
Subalit sa kasamaang palad pagdating ng mga otoridad sa lugar ay bigla na lamang itong hindi na mahagilap.
Magugunitang itinuturo si Ang na siyang nasa likod ng pagkawala ng mga sabungero ilang taon na ang nakakalipas kung saan mayroon na itong patong sa ulo na aabot sa P20 milyon.
Mariing ipinabulaanan naman ng kampo ng negosyante ang nasabing alegasyon.
















