-- Advertisements --
OVP shuttle 4
IMAGE | FREE SHUTTLE SERVICE NG OFFICE OF THE VICE PRESIDENT/OVP Facebook

Muling aarangkada bukas, March 19, ang libreng shuttle service na alok ng tanggapan ni Vice Pres. Leni Robredo para sa mga health workers na apektado ng transportation lockdown ng Enchanced Community Quarantine.

Nitong Miyerkules, March 18, nang simulan ng Office of the Vice President ang pagbibigay ng libreng serbisyo sa mga frontliner ng health sector.

Narito ang listahan ng loading areas at ruta ng shuttle na magsisimulang umalis ng alas-5:00 ng umaga.

Nilinaw ng OVP na para sa mga nagta-trabaho sa ospital ang kanilang libreng shuttle, basta may maipe-presenta lang na valid ID at magpapasailalim sa kaukulang protocol.

“Bago sumakay, dadaan muna sa temperature check, pagdi-disinfect ng kamay gamit ang alcohol, at magsusulat sa logbook. Oobserbahan ang social distancing measures sa pag-upo sa bus. Nakikiusap kami na lahat ay sumunod sa mga patakarang ito, at sa anumang ipapakiusap ng driver at staff ng shuttle.”