-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Umapaw ang ilog sa Barangay Polayagan Alamada Cotabato gabi nitong linggo.

May ilang mga residente ang lumikas patungo sa mga ligtas na lugar sa takot sa rumaragasang tubig mula sa ilog.

May mga kabahayan na rin ang lubog sa baha at umapaw pa sa kalsada kaya halos hindi ito madaanan ng mga sasakyan.

Ang pagbaha ay dulot nang malakas na buhos ng ulan dahil sa sama ng panahon.

Matatandaan na noong mga nakalipas na taon ay may nasawi sa baha sa bayan ng Alamada.

Sa ngayon ay nakaantabay ang mga kawani ng MDRRMO-Alamada sa nararanasang pagbaha sa bayan.