-- Advertisements --
Pumalo na ngayon sa 19, 449 ang mga pasyenteng gumaling mula sa sakit na coronavirus disease(COVID-19) sa buong Central Visayas base sa pinakahuling tala ng Department of Health kahapon, Octobre 18.
Sa 21, 805 na kabuuang bilang ng kaso sa rehiyon, 1,311 nito ang naitalang namatay.
Samantala, umabot na sa 9,276 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa Cebu City habang 679 na ang mga namatay.
Tatlo na panibagong kaso naman ang naidagdag kahapon dahilan na nasa 10, 171 na ang total cases nitong lungsod.
Maliban pa, umabot na sa 2, 519 ang total cases sa Mandaue City ; 2,426 sa Lapu-lapu City; Probinsiya ng Cebu, 6, 048; Negros Oriental, 232; Bohol, 402; at 7 sa Siquijor.
Sa ngayon, nasa 1, 045 na lang ang aktibong kaso ng rehiyon 7.