CAUAYAN CITY- Muling pumalo sa mahigit 1,000 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela matapos na maitala ang 144 na panibagong kaso na mababa sa naitalang 214 nitong Linggo .
Sa inilabas na abiso ng pamahalaang panlalawigan, pinakamarami sa mga bagong kaso ang bayan ng Mallig na may 25, sumunod ang Roxas na may 15, tig-14 ang Cordon at Quezon, tig-10 ang Ramon at Santiago City, 9 sa Quirino, 7 sa Ilagan City, tig-aanim sa Burgos at San Isidro, 5 sa Reina Mercedes, 4 sa Benito Soliven, tig-tatlo sa Delfin Albano at San Mateo, tig-dadalawa sa lunsod ng Cauayan, Cabagan, Jones at Tumauini habang tig-iisa naman sa Alicia, Angadanan, Cabatuan at Gamu.
Sa ngayon ay umabot na sa 7,423 ang tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan, 6,199 ang gumaling, 1,082 ang aktibong kaso at 142 ang nasawi.
Sa mga aktibong kaso ay 11 ang locally stranded individuals, 134 ang Health Workers, 25 ang pulis at 912 ang mula sa local transmission.
Muling pinaalalahanan ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa tahanan kung hindi kinakailangan para makaiwas sa virus.