-- Advertisements --
image 421

Muling naitala ng Phivolcs ang pagtaas ng bilang ng mga pagyanig na dulot ng Bulkang Mayon.

Batay sa monitoring ng tanggapan, nagkaroon ng 56 volcanic earthquake sa loob lamang ng limitadong oras. Kasama rin dito ang 39 na volcani tremors na naitala lamang sa loob ng 20 minuto.

Sa kasalukuyan, umakyat na rin sa 134 ang mga naitalang rockfall event sa nasabing bulkan

Sa kasalukuyan, namomonitor pa rin ng tanggapan ang mahaba-habang lava flow na umaabot ng mula 1.1km hanggang 3.4km sa ibat ibang agusan nito.

Sa kabila ng mas maraming aktibidad, nananatili naman sa Alert Level 3 ang nasabing bulkan.