-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nakikita ni Police Brigadier Gen. Israel Ephraim Dickson, Regional Director ng Cordillera PNP ang mahalagang implikasyon na hindi pa tuluyang na-eradicate ang notorious business ng illegal drugs-using guns-for-hire.

Inihayag niya ito kasunod ng pagpatay ng mga pulis sa tatlong kalalakihan sa Bangued, Abra madaling araw ng Huwebes, July 11 matapos ang engkwentro ng mga ito nang habulin nila ang tatlo na sakay ng tricycle na umiwas sa police checkpoint.

Narekober sa mga napatay na kalalakihan ang mga larawan ng isang police lieutenant at isang nagngangalang Clarence Valera na pinaniniwalaang mga targets ng mga ito.

Narekober pa sa mga ito ang tatlong baril, mga magazines at mga bala maliban pa sa pitong pakete ng pinaniniwalaang shabu.

Dahil dito, inudyukan ni Dickson ang provincial at municipal peace and order councils at anti-drug abuse councils ng Abra para sa kanilang pagpupulong sa lalong madaling panahon.

“It is urgent that they formulate, adopt, and implement effective action plans against guns-for-hire and illegal drugs in line with the “whole-of-government” approach of the Duterte Administration,” wika ni Dickson.

Hiniling din nito ang pagtupad ng provincial director at lahat ng chiefs of police sa kanilang mandato bilang vice-chairpersons ng kani-kanilang provincial at municipal peace and order councils at anti-drug abuse councils.