-- Advertisements --

KALIBO, Aklan-Pinarangalan ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan ang isang Aklanon athlete kasunod sa pag-uwi nito ng bronze medal para sa Pilipinas sa larong Men’s Combat 60kg Class Of Muay Thai Competition sa ginanap na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Tinanggap ni Fritz Aldin Biagtan, tubong Barangay Camanci, Batan, Aklan ang resolution of commendation na sponsored ni second district board member Jay Tejada bilang pagkilala sa kaniyang husay.

Lubos na pinasasalamatan ni Biagtan ang kaniyang pamilya sa walang sawang suporta na ibinibigay sa kaniya sa bawat may laro ito.

Ang medalya aniya ay hindi nadadampot basta-basta kundi pinaghihirapan ito kaya’t ginawa niya ang lahat na ensayo bago ang laro.

Aniya, ang kaniyang tagumpay ay hindi lamang pansarili kundi para din sa mga Pilipino.

Nabatid na ang Muay Thai ay nag-originate sa bansang Thailand.

Si Biagtan ay nagkahilig sa nasabing sports sa edad na 12-anyos haanggang na napasabak sa SEA Games.