-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Epektibo na simula alas-12:00 kaninang hatinggabi ang enhanced community quarantine sa buong Aklan.

Alinsunod ito sa Executive Order (EO) No. 20 series of 2020 na nilagdaan at ipinalabas ni Aklan Governor Florencio Miraflores kahapon, Marso 22.

Nakasaad sa EO ni Gov. Miraflores ang pagsasara ng lahat ng public at private offices, gayundin ang business at commercial establishments, supermarkets and grocery stores, hospitals, medical clinics, medical facilities, pharmacies and drug store; water refilling station, bangko at iba pa.

Hindi kasama rito ang public markets pero limitado lamang ang operasyon mula alas-5:00 ng madaling araw hanggang alas-5:00 ng hapon.

Samantala, inoobliga ang mga media establishment na hanggang alas-7:00 ng gabi nalang ang magiging operasyon ng mga ito.

Sa kabilang dako, mahigpit na ipapatupad ang “no angkas policy” upang masunod ang social distancing na isang metro ang agwat sa isa’t-isa.

Ang hakbang ng provincial government ay upang mapanatiling ligtas sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 pandemic ang lalawigan.

Tatagal ang EO ni Gov. Miraflores hanggang Abril 15, 2020.