-- Advertisements --
OFWs SaudiArabia
FILE PHOTO: Repatriated Overseas Filipino Workers or OFWs arrive at an airport after being allowed to go home following weeks of quarantine amid the spread of the coronavirus disease (COVID-19), in Pasay City, Metro Manila, Philippines May 26, 2020. REUTERS/Eloisa Lopez

Asahan daw na mas madaragdagan pa ang bilang ng mga dumadating dito sa Pilipinas kapag naabot na ang peak sa buwan ng Disyembre.

Ito ay matapos malagpasan na ang record ng airport arrival pagpasok ng ber months ngayong taon kumpara sa record noong 2021.

Ayon kay Bureau of Immigration Spokesperson Dana Sandoval, ang bilang ng arrivals noong October ngayong taon ay nasa 634,000.

Mas mataas ito kumpara sa 195,000 na naitala noong December 2021.

Isa sa pangunahing rason na nakikita ni Sandoval sa pagtaas ng bilang ng mga dumadating sa bansa ay ang pagluluwag ng travel restrictions ng bansa kaugnay ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Noong buwan ng Oktubre, sinabi rin ng Department of Tourism (DoT) na mahigit 1.8 million foreigners na ang bumisita sa bansa at nalagpasan na ang target ng gobyerno.

Sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco na ang tourist arrivals ay may kabuuang 1,827,603 noong October 25.