Maaaring maparusahan at maharap sa sanctions ang isang airline company matapos na makatakas ang isang Congo national habang nasa kanilang kustodiya makaraang tanggihang makapasok sa bansa dahil sa pambabastos nito sa ilang immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 noong nakalipas na Hunyo 19.
Ayon kay Commissioner Norman Tansingco ang naturang dayuhang pasahero ay isang 31 anyos na kinilalang si Tshapa Guimick Basaga mula sa bansang Ehiopia.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, noong gabi ng linngo dumating sa Pilipinas ang Congo national lulan ng Ethiopian Airlines flight Et 644 kung saan habang nasa immigration counter ito nagpakita ng hindi magandang asal sa pagsagot ang naturang dayuhan sa immigration officer.
Bunsod nito, hindi pinayagang makapasok sa bansa nag naturang pasahero at kalaunan ay dinala sa kustodiya ng airline security at inihatid sa exclusion room para pabalikin sa pinagmulan nitong bansa.
Subalit nakatanggap ang Bi Border Control Intelligence Unit ng report na nakatas umano si Basaga.
Nahuli naman ito sa sumunod na araw nang bumalik ito sa airport para kunin ang kaniyang pasaporte.
Bagamat nakabalik na sa Ethiopia ang dayuhan , sinabi ni Tansingco na nakikipag-ugnayan na ito sa legal team ng ahensiya para tignan ang posibleng sanctions na maaaring ipataw laban sa airline.
Ayon sa BI official ito ay isang malaking paglabag sa seguridad dahil nagawang makalusot umano at makatakas mula sa premises ng paliparan ang naturang dayuhan kahit na pinagbawalan ito na makapasok sa bansa.