-- Advertisements --

Pinagbawalan ng European Union ang mga eroplano ng Belarus na maglayag sa airspace o lumapag sa mga paliparan ng Europe kasunod ng nangyaring pwersahang pag-divert ng biyahe at paglapag ng Ryanair flight sa capital ng Belarus na Minsk noong nakaraang buwan.

Subalit binatikos naman ng ilang airline bodies ang naging hakbang ng European Union.

Ayon kay Willie Wash, director general ng International Air Transport Association na hindi dapat mahaluan ng pulitika ang operation ng mga aircraft at hindi dapat maisaalang-alang ang kaligtasan ng aviation para maisulong ang mga political o diplomatic agenda ng mga pulitiko.

Apektado naman dito ang nasa 400 civilian planes na kadalasang lumalayag sa Belarus kada araw ayon sa European air traffic control agency.

Gayundin din ang Belavia na isang Belarusian national carrier na lumalapag sa 20 paliparan ng Europe kabilang ang Milan, Berlin, Paris,Rome at Vienna.

Maaalalang isa sa mga pasahero ng Ryanair flight ang 26-anyos na opposition journalist na si Roman Protasevich na biyaheng Lithuania noong Mayo 23 na inaresto sa Belarusian capital na Minsk matapos na pwersahang lumapag ang eroplano sa lugar dahil umano sa bomb threat.