-- Advertisements --

Naghahanda na ang ilang airline companies para sa kanilang mga biyahe sa muling pagpapatupad ng enhanced community community quarantine (ECQ) sa Metro Manila, simula sa Agosot 6 hanggang 20, 2021.

Ayon sa Philippine Airlines, Cebu Pacific at Air Asia, magiging limitado lamang ang kanilang domestic flights sa essential travelers.

Sakop nito ang may mga clearance sa inter-agency task force at mga residente ng National CVapital Region (NCR) na uuwi lamang sa kanilang tirahan.

Pero ang international flights ay magpapatuloy, maliban sa mga bansang may sariling ipinaiiral na lockdown.

Pinapayuhan naman ang mga nais mag-rebook at refund na makipag-ugnayan na lang sa kanilang hotline, sa halip na magtungo agad sa mga opisina.